Ibinahagi ni COVID-19 Response Integrated System czar Dr. Jay Rivera ang malawakang vaccination program ng Mabalacat City Government kung saan bahagi nito ay ang pagdaragdag ng mga Vaccination Sites sa Mabalacat City.
Sa ngayon, may labing-tatlong (13) vaccination sites na ang siyudad kabilang na ang anim (6) na hubs sa SM City Clark. Kasabay sa pagpapaigting ng “Walk-To” Vaccination System ng Mabalacat City ay ang pagdami din ng mga vaccination hubs at alternative venues sa bawat barangay upang mai-abot ang mga doses sa bawat Mabalaqueños.