COVID-19 VACCINATION PROGRAM PARA SA MGA OFW

Pinangunahan ni Mabalacat City Councilor Doc Cocoy Tiglao ang pagbabakuna sa mga Mabalaqueño Overseas Filipino Workers (OFWs) laban sa COVID-19 ngayong araw (Setyembre 8, 2021) sa Mabalacat City College (MCC) – Dapdap Campus, sa kabila ng pananalasa ni #Typhoon Jolina #Bagyong Jolina sa probinsya ng Pampanga.

Mahigit 250 OFWs at seafarers ang nabakunahan sa nasabing schedule na bahagi ng malawakang COVID-19 immunization program ng Mabalacat City Government partikular sa mga economic frontliners ng bansa.