Inaprubahan na ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng medical experts na i-limit na lang sa tinatawag na “3Cs” ang pagre-require ng paggamit ng face shields. Kabilang diyan ang mga “closed and crowded” na lugar o mga indoor na establisimyento at transportasyon, at mga aktibidad na “close contact” gaya ng mga pagtitipon.
Dagdag ng Pangulo, iniutos na niya na magpalabas agad ng guidelines ang mga kaukulang ahensya kaugnay sa bagong patakaran sa face shields.