PARA SA LIGTAS NA PAGGUNITA NG UNDAS 2021 SA KABILA NG PANDEMIYA, NARITO ANG MGA SUMUSUNOD NA PANUNTUNAN SA LUNGSOD NG MABALACAT

Pormal ng inilabas ang EO No.119 na nilagdaan ni Mabalacat City Mayor Crisostomo Garbo.

Narito ang mga mahalagang impormasyon:

1. Ang lahat ng mga sementeryo na nasa Mabalacat City (public o private) ay kinakailangang sumunod sa mga panuntunan na nakasaad sa EO na ito.

2. Ang lahat ng mga sementeryo na nasa Mabalacat (public or private) ay 𝐒𝐀𝐑𝐀𝐃𝐎 mula 𝐎𝐤𝐭𝐮𝐛𝐫𝐞 𝟑𝟎 hanggang 𝐍𝐨𝐛𝐲𝐞𝐦𝐛𝐫𝐞 𝟎𝟐, 𝟐𝟎𝟐𝟏. Maaaring bumisita bago o pagkatapos ng mga nasabing araw.

3. Hindi maaaring bumisita sa sementeryo ang mga senior citizens 𝟔𝟎 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝 𝗽𝗮𝘁𝗮𝗮𝘀, mga batang 𝟏𝟕 𝐲𝐞𝐚𝐫𝐬 𝐨𝐥𝐝 𝐩𝐚𝐛𝐚𝐛𝐚, mga may 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐨 𝐤𝐚𝐩𝐚𝐧𝐬𝐚𝐧𝐚𝐧, at mga 𝐛𝐮𝐧𝐭𝐢𝐬.

4. Para sa lahat ng nasasakupang sementeryo ng Mabalacat, kinakailangan na mayroong 𝐂𝐎𝐍𝐓𝐀𝐂𝐓 𝐓𝐑𝐀𝐂𝐈𝐍𝐆 𝐅𝐎𝐑𝐌 na gagamitin ng mga bibisita sa sementeryo. Ang form na ito ay maaaring makuha sa 𝐎𝐅𝐅𝐈𝐂𝐄 𝐎𝐅 𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐀𝐃𝐌𝐈𝐍𝐈𝐒𝐓𝐑𝐀𝐓𝐎𝐑.

5. Ang mga maaaring makapasok lamang sa mga sementeryo ay ang mga 𝐂𝐎𝐕𝐈𝐃-𝟏𝟗 𝐅𝐔𝐋𝐋𝐘 𝐕𝐀𝐂𝐂𝐈𝐍𝐀𝐓𝐄𝐃 guests.

6. Hindi pwedeng magdala ng 𝐩𝐚𝐠𝐤𝐚𝐢𝐧 𝐨 𝐢𝐧𝐮𝐦𝐢𝐧 sa loob ng mga sementeryo.

7. Ang bilang ng mga tao na pumapasok sa sementeryo ay kinakailangang nasa 𝟓𝟎% 𝐂𝐀𝐏𝐀𝐂𝐈𝐓𝐘 lamang.

8. Mayroon lamang 𝐢𝐬𝐚𝐧𝐠 𝐨𝐫𝐚𝐬 (1 hour) na nilalaan upang manatili para sa bawat indibidwal na papasok sa sementeryo.

9. Kinakailangan 𝐢-ch𝐞c𝐤 𝐚𝐧𝐠 𝐭𝐞𝐦𝐩𝐞𝐫𝐚𝐭𝐮𝐫𝐚 ng bawat papasok sa sementeryo.

10. Alinsunod sa Panlalawigan Ordinance No. 756 Series of 2020, kinakailangang magsuot ng 𝐟𝐚𝐜𝐞 𝐦𝐚𝐬𝐤, 𝐟𝐚𝐜𝐞 𝐬𝐡𝐢𝐞𝐥𝐝 at magkaroon ng 𝐬𝐨𝐜𝐢𝐚𝐥 𝐝𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐜𝐢𝐧𝐠 sa lahat ng oras.Manatili po tayong ligtas ngayong undas!